Ang dami nang gumagawa ng blog. Ang daming analysi tungkol sa lipunan. Naisip ko, magkuwento na lang ako. 'Di naman ako matalino para mag-analisa, kaya kukwentuhan ko na lang kayo. Naisip ko rin na magsulat sa Filipino para naman 'di ko makakalimutan ang sariling wika kahit na Bisaya ako.
Ang mga kuwento sa baba ay lumabas sa "Pa-Kyut," kolum ko sa pahayagang Silangan Shimbun sa Japan.
Lagi na lang masama ang panahon dito sa Pilipinas. Kapag tag-araw, natutuyo ang mga bukirin. Kapag tag-ulan, bumabaha ang putik.
Parang ang pulitika dito sa atin. Matinding manalanta ng buhay.
Parang bagyo ang paninira ng pulitika nitong nakalipas na mga araw. Tila burak ang mga eskandalong lumutang. Masangsang sa ilong. Nakakalula sa mata. Nakakasira ng buhay.
Marami ang nagsabi na tila wala nang pag-asa ang bayan natin. Wala nang pag-asa ang sistemang dahan-dahang lumalamon sa ating mga kaluluwa, tila kumunoy na unti-unting nagpapalugmok sa ating lipunan.
Pero teka lang. Nandiyan pa naman ang anak ni Manong na patuloy na nagtitinda ng yosi sa kanto. Namatay nga ang kanyang tatay subalit kailangang kumita, kailangan kumain, kailangang magtinda ng yosi.
Siyanga pala, ‘di n’yo pala kilala si Manong. Suki ko siya ng tingi na yosi. Apat na taon ko na siyang kilala. Dati siyang nagtrabaho sa Saudi Arabia. Kumita ng maraming pera. Nalulong sa sabong. Umuwi sa ‘Pinas makalipas ang sampung taon sa gitna ng disyerto at winaldas ang pinagpagurang perang naipon na sana ay para sa mga anak.
Tuloy ang pagsasabong ni Manong dito sa atin kahit wala na siyang kinitang pera. Hanggang talagang natuyo ang kaldero at nagdesisyong pinakamadaling magtinda ng yosi kaysa magnakaw sa Quiapo o Divisoria.
Nakilala ko si Manong dahil pinapautang niya ako ng yosi ‘pag talagang wala akong pera at kailangan kong labanan ang antok sa madaling araw habang binubuno ko ang pagsusulat ng balita tungkol sa mga inaaping manggagawa.
Seryos no? Hindi. Hayaan n’yong ikuwento ko si Manong. Namatay na kasi siya. Pulmonya. Dumalaw ako sa kanyang burol sa isang malapit na iskwater. Madaling araw ako dumating. Tulog ang mga tao liban sa kanyang maybahay at dalawang anak na nakatanghod sa kanyang kabaong sa gilid ng daan.
Naisip ko, napakadali palang mamatay. Ang hirap mabuhay. Buti pa si Manong, ‘di na mag-iisip kung may maisasaing sa umaga. Malas ko, wala na akong mauutangan. Kaya binigay ko sa kanyang asawa ang kahulihulihan kong P500 sa bulsa. Sayang din ‘yon, pero naisip kong tama na rin siguro ‘yon sa abala ko bawat utang ko ng isang kahang sigarilyo.
Namatay si Manong habang nagrarali ang mga may pera sa Makati para pabagsakin si Gloria na kumita raw ng maraming pera sa jueteng. Mabuti pa ‘yong mga nagrarali, may pamasahe papuntang Makati. Ang asawa ni Manong ‘di man lang ako mapakape.
Nakita ko ang anak ni Manong noong sumunod na araw. Bitbit niya ang lalagyan ng yosi ng kanyang ama. Pati na rin ang lighter na may tali. Iyon lang daw ang naipamana ng kanyang tatay sa kanya. Susmarya!
Ba’t ko nga ba naikuwento ang buhay ni Manong? Kasi gusto kong ikuwento ang nakita ko sa mukha ng kanyang anak. Ang pag-asa na kahit sa gitna ng kahirapan, kailangan nating mabuhay. Kailangan nating ipagpatuloy ang paggawa, ang paghahanap ng bukas na pangarap nating maabot.
Bahala na muna siguro ang mga aktibista na makibaka. Mas malala pa yata ang problema natin kaysa kay Gloria, ‘di ba? ‘Di naman tayo tumaya diyan sa sugal nilang ang tawag ay pulitika.
Ha, ha, ha, ha. Nakakaasar, no? Marami sa atin gano’n na mag-isip, di ba? Parang ang hirap makialam. Kung gusto mong magsalita ng katotohanan, sasabihin ng pamahalaan na komunista ka o ‘di kaya terorista. Kung kumbinsido ka naman sa mga pangako ni Gloria, sasabihin naman ng mga aktibista na tuta ka ng mga kapitalista.
Minsan ang hirap mamuhay dito sa ating bayan. Ang dami nating puwedeng ipangalan sa kapwa. Pauso pa ang ating pamahalaan at laging nangunguna sa pang-iintriga. Kesyo sinisira ng oposisyon ang ekonomiya at ninanakaw naman ng administrasyon ang pera na dapat ay napupunta sa masa.
Ang daming kalokohan dito sa atin. Parang panahon. Minsan akala mo uulan dahil ang kapal ng ulap pero biglang iinit. Minsan naman ang tindi ng sikat ng araw pero biglang babagsak ang malakas na ulan.
Ayaw ko namang sisihin ang Panginoon sa paglikha ng ulan at araw. Kasi naman sinisira raw ng tao ang kalikasan kaya sumasama ang kalagayan ng ating kapaligiran. Pero sa pulitika, wala tayong ibang puwedeng pagbibintangan sa nagkakahetot-hetot na buhay natin kundi ang mga namumuno, di ba?
Kung ayaw nilang mapuna, ‘di umalis sila sa kanilang kinauupuan para wala silang problema. Pero ang daming gustong mangulo sa atin no? Walang gustong maging tagasunod na lang. Masyado yata tayong naging ambisyosong mga Pilipino. Ano sa tingin n’yo?
Labo, no? Hayaan n’yo darating din ang araw na gaganda rin ang buhay. Mahihinog ang bunga ng palay at aanihin ng mga magsasaka. Kakain tayo ng mabangong kanin na galing sa ating mga bukirin at mag-uulam tayo ng tuna galing sa GenSan at gulay mula sa ating bakuran.
Sarap, no? Darating din ang araw na ‘yan kung hindi natin papabayaang maubos ang ating mga kabundukan ng mga minerong walang habas na kumakamkam sa ating likas na yaman at mga ganid na developer na gustong gawing basketbolan ang ating mga palayan.
Buhay nga naman, parang life.
Thursday, July 28, 2005
Tag-ulan na naman, malamig
Tag-ulan na naman dito sa Pilipinas. Pasukan na naman ng mga mag-aaral. Simula na naman ng pagkakamot sa ulo ng mga magulang na ang tanging pangarap ay huwag matulad sa kanila ang mga anak
Mag-aral ka, iyan lang ang tangi mong puhunan. Mahirap lang tayo. Ito ang ‘di ko makalimutang pangaral ng aking ama noong ako’y hindi pa marunong mag-brief at tanging kaligayan lang ang makapanood ng tig-P1.50 na palabas sa nag-iisang sinehan na pugad ng surot sa aming bayan.
Bakit nga ba pinili ng mga naunang matatalino sa ating bayan na gawing Hunyo ang pasukan kung kelan halos araw-araw lumuluha ang langit at nagbo-bowling ang mga anghel sa ibabawa ng mga ulap. Hanggang ngayon kung kelan isa-isa nang pumuti ang aking buhok, ‘di ko pa rin maarok ang dahilan.
Bakit nga ba parang kaligayahan yata ng mga nakakatanda ang pahirapan ang mga nakakabata. Bakit nga ba kailangan pumasok ng ala-siyete ng umaga kung pwede naming alas-nuwebe ang oras ng pasukan.
Tandang-tanda ko pa noong ako’y bata. (Oo minsan din ako naging bata at nangarap tumanda.) Hindi pa man sumisilip ang haring araw sa may silangan nagtatalak na ang aing ina. Kesyo kailangan nang pumunta sa palayan at kumuha ng ligaw na kangkong para ipakain sa baboy, kesyo kailangan mag-igib ng tubig para may pangsaing, kesyo kelangang magwalis dahil makapal na ang dahong nagkalat sa silong.
Mabuti na lang ‘di ko alam na child labor pala ang ginawa ko noon, kundi lagot ang mga magulang kong mahal sa akin at siguradong demanda ang kanilang aabutin. Aba, mantakin ba namang ang sarap ng tulog ko mambubulahaw ang nanay dahil kailangan ko magtrabaho kesyo mahirap lang kami at kailangan magsumikap.
E bakit nga ba ‘di kami mayaman, lintek na buhay naman. Bakit nga ba kung sino ang naghihirap at nagpapapawis para kumita siya ang walang makaing masarap at walang sasakyang magara.
Syanga pala, pasukan sa eskwela ang pinag-usapan. ‘Yon, pagkatapos akong magpaalila, layas na ako papuntang eskwela. Bitbit ang libro’t papel na nakasiksik sa bag na butas-butas, yong gamit ng mga probinsyano sa pamamalengke, o kaya plastic na supot na tanging yaman naming mga batang probinsya.
Masaya na ako noon kapag nakapagnakaw ng bayabas sa mga madaanang puno ng kapitbahay o kaya’s hinig na kalamansi. Kaya rin siguro kahit wala kaming making mga probinsyano ‘di kami madaling magkalagnat o siponin kahit dahon ng saging o gabi lang ang paying kapag umuulan. Sa dami ba naman ng nananakaw naming bayabas at kalamansi siguro overdose na kami ng Vitamin C.
Liban sa pasukan, tag-ulan din nagpapakasal karamihan sa atin. Siguro dahil masarap makipagyakapan sa gabi habang pumapatak ang ulan sa bubong na nipa o cogon o di kaya’y sa yerong kalawangin sa mga medyo nakakakaangat. Pero bakit pati mayayaman sa tag-ulan nag-aasawa. Di naman siguro nila narararamndaman ang ulan sa loob ng air-conditioned nilang mga tahanan. Pa-uso rin lang siguro, ano po. E ba’t din a lang sa Disyembre magpakasal, medyo mahabhab ang taglamig at romantic pa dahil maramaing parrol at memorable ang tugtog kahit sa mumurahing mga radio na AM lang ang istasyong nakukuha.
Hirap intindihin ng buhay minsan, no? Hirap isipin kung bakit pa lalalayas sa Pilipinas at sa ibang bayan pa maghanap ng pagkakaperahan na napakayaman naman n gating bayan. Marami kasing kurakot sa atin. Maraming buwaya. Nabubuhay kasi sa tubig ang mga hayop na ito. Lagi kasing umuulan sa pilipinas kaya maraming tubig, kaya maraming buwaya. Oo nga, mayaman ang pilipinas kaya maraming mapagsamantala at ang mga maliliit ang lagging nasasasagasaan. Saan ka ba naman nakakakita ng malaking nasasasagasan ng maliit.
Bat ba panay reklamo na lang tayo. Masaya naman sa pinas a, maraming nakakatuwa at nakakatawa lalo na sa panhon natin ngayon. Tingnan nyo naman, nakakatawang makalipas ang ilang daang taon ngayon lang naisip na imbetigahan ang jueteng. E baka nga pati si rizal at bonifacio tumaya ng jueteng noong panahon nila. Pinag-uusapan din ang korupsyon, aba’y reklamo na yata nila lapu-lapu yan noong kanilang panahon. Bakit nga ba di nababago ang pilipinas?
Marami daw kasing reklamo. E yong mga matatalinong may pamasahe papunta sa labas nagsipaglayasan. Ang mga mahihirap na nakapag-aral lumayas na rin dahil di nabubuhay sa bayang walang pagkakataon ang di kakilala ng may-ari ng negosyo o kamag-anak ng mayor, kongresista , gobernador, ponsio pilato, demonyo, ewan ko!
Noong bata pa ako, naririnig ko ang mga kapitbahay namingng katsisimisan ng nanay ko na nagsabing pianglihi yata ako sa puwet ng manok, ang daldal ko daw kasi. Daming sinasabi. Natatakot nga ako minsan na baka hindi totoo ang kwento nila. Natatakot ako na baka may tama lang talaga ako sa ulo kaya marami akong naiisip. Bakit nga ba ang dami kong tanong. Ang dami kong reklamo. Yong iba naman nabubuhay ng maayos na hindi nagrereklamo at di nagsusulat ng kung anuano.
Tag-ulan na naman kasi, malamig. Marami kang maiisip pag malamig ang panahon, tulad ng ginataang saging, kamoteng nilaga, tsokolate ni lola, tuba ni lolo, hita ng kapitbahay, problema sa eskwela, pang-tuition, pangkain, pera,pera, pera, problema sa lipunan, hustisya, kapayapaan, panggugulo ng mga natatalo, ewan ko ba ang dami problema.
Ang saya siguro kung di natin naiisip ang problema, o di kaya wala tayong pinoproblema, kung kasama natin lagi ang mga mahal sa buhay, tawanan, videook, karaoke, at ok lagi ang buhay dahil may makakain ang lahat, libre ang pag-aaral, malinis ang paligid at walang namamatay sa malaria., walang natitigok sa dengue at walang balitang masama. Wala na rin sigurong diaryo. Wow, grabe, mabuti pa si wowowee nag-asawa ng maganda dahil lagi siyang nagpapatawa. Minsa swete talaga ng ibang tao, patawa ka lang kikita ka, yong iba nating mga kababayan kailangan magpunas pa ng puwet ng mga dayuhan para lang kumita at mapag-aral ang mga anak o mapakain ang mga magulang.
Malungkot na eksena sa aking isipan minsan ang mga kababayan na napiplitang maglaba, magsaing, paliguan at bihisan ang mga anak ng dayuhan para makabili ng pagkain at damit na malabhan ang mga naiwan na mga mahal sa buhay sa sarili nating bayan. Lungkot no? labo talaga ng mundo. Minsan pwede na ring magdasal na lang baka huugan tayo ng swerte ng maykapa, pero diyos na rin ang may sabi na ang sinumang mang hindi magpapawis sa noo ay walang karapatang kumain. E ba’t yong iba, ni hindi pinagpawisan, nakakakain ng masarap.
Siguro kailangan nga nating kumilos, magtrabaho para kumita, para makapag-ipon, para mapagra-aral ang mga bata, para din a malamig ang tag-ulan sa ating bayan, at para mabago naman ang mukha n gating lipunan, na tayong masisipag, tayong nagtatrabaho ang kumain ng masarap at lumigaya at di lumuha dahil malayo sa kasintahan, sa asawa, anak at mga magulang na Gawain na yata talaga ang magtatalak.
Wow, haba na ng litanya ko ng reklamo, baka wala na kayong magawa, sige trabaho na tayo, sa susunod naman.

Alaala ng disyerto
Minsan na rin akong nangarap, tulad ng marami sa atin, na guminhawa ang buhay. Lumisan na rin ako minsan sa bayang kinalakhan. Dalawang taon kong tiniis ang init sa disyerto sa paniniwalang matagpuan ko ang dulo ng bahaghari at mahanap ang gintong doon ay nakatago. Hindi ko nakita ang gintong hanap, subalit hindi ko ipagpapalit ng ilang kabang ginto ang aking karanasan.
Hayaan n’yong ibahagi sa inyo ang lungkot at saya, ang luha at tawa, na tanging yaman kong naiuwi sa Pilipinas. Hayaan n’yo akong magpa-kyut, hayaan n’yong patawanin kayo, hayaan n’yong minsan ay kurutin ko ang inyong damdamin para naman maiba ang usapan at hindi na lamang panay politika o pera, o kaya tsismis at intriga ang inyong mababasa.
Nakilala ko ang ilang mga kabayan sa Saudi Arabia noong ako ay nanilbihan doon bilang manunulat sa isang pahayagan. Isa sa mga naging kautotang-dila ko ay si Tembong. Ito ang kanyang kwento.
Si Tembong Patibong
may mata, may ilong,
nagnakaw ng pagong
sa Saudi nakulong
Tumawag sa OWWA
humingi ng pera
pambayad ng pyansa
lalaya daw sya
Gobyerno na bingi
si Tembong sinisi
bakit nagpahuli
sa among mapanghi
Bakit ka nagnakaw
ng pagong ng bayaw
ng amo mong uhaw
sa aring masabaw
Ang OWWA'y napundi
si Tembong ginulpi
tapos mabusisi
puwet na umusli
* * *
O ‘di ba masaya? Sey n’yo, walang politika. Alam kong marami sa ating mga kababayan sa ibang bansa ang nakaranas na rin ng tulad nang naranasan ni Tembong, o mas malala pa. Sana maibahagi n’yo rin at gawin nating pulutan sa kwentohan o sa kantiyawan habang inuusal natin ang dasal na sana naman maramdaman ng mang nasa katungkulan sa ating pamahalaan ang pait, hindi, ang hapdi sa puwet ni Tembong.
* * *
Sige na nga, kwento na lang ulit. Ayaw n’yo naman tumawa e.
Meron akong alaga
‘Sang kunehong mataba
Mahaba kanyang dila
Maikli lang ang tenga
Meron akong minahal
‘Sang dalagang madaldal
meyk-up nya’y ‘di makapal
marunong pa magdasal
Minsan akong umibig
Bukal sa aking dibdib
Kalong ng aking bisig
Iba lang kanyang hilig
Mahal nya ang kuneho
Pati ang aking aso
Matigas dila nito
Kaya iniwan ako

Friday, July 15, 2005
Manong
I don't even know his name. He's just one of those "insignificant" people we encounter daily. And he's dead.
He died while thousands march to Makati to call for the president's resignation. He died even as the presidential palace ordered its information officers to release "good news" to the media to counter the "attacks" on the president.
Manong is dead. He sold cigarettes outside our office. He might have contributed to the deterioration of our lungs as many of us might have contributed to the deterioration of the country's political situation.
Manong worked in Saudi Arabia for ten years. He claimed to have lived a happy life there. He came home when Erap became president. He believed the situation would change. Many of us believed that with Arroyo as president the situation would change.
Manong was wrong. Now he's dead. We might have been wrong too. But we're still alive.
I went to Manong's wake to say good-bye. I met his wife and his three children. They were watching over his coffin. There were no other people there. There were no flowers too. There were no candles. There were only tears on Manang's eyes when I asked him how Manong died. It was crazy for me to ask. Manong died of poverty.
It was one o'clock in the morning. And the street was empty. It was eerie. A coffin on the roadside. Four shadows hovering beside it. Four "insignificant" souls I encounter daily. I didn't even ask for their names.

Wednesday, July 13, 2005
Caught on tape: 'Yung dagdag, yung dagdag'
Conversation between Gary (V. Garcillano) and an unidentified female believed to be GMA (Pres. Gloria Macapagal-Arroyo) on 31 23:17 hotel May 2004
Garcillano: Hello, ma’am.
GMA: Hello, tsaka ano yung kabila, they’re trying to get the Namfrel copies of the Municipal COCs.
Garcillano: Namfrel copies ho?
GMA: Uhm-um.
Garcillano: Ay wala naman, ok naman ang Namfrel sa atin. They are now sympathetic to us.
GMA (mumbling): Oo, oo … (garbled) …Namfrel does not tally. Pero yun nga, yung dagdag, yung dagdag.
Garcillano: Oho, we will get an advance copy ho natin kung anong hong kwan nila.
GMA: Oo, oo.
Garcillano: Sige po.
From the PCIJ blog

Monday, July 11, 2005
Papal Nuncio, nakialam?
From sources inside the Church:
- Papal Nuncio reprimands bishops for involvement in politics
- Archbishop Rosales favors GMA resign call

Friday, July 08, 2005
GMA preempts Cabinet resignations?
The political opposition said President Arroyo's call for the resignation of members of her Cabinet is a "desperate move" to preempt the announcements of resignations of some senior government officials.
Senator Sergio Osmeña said late in the afternoon of Thursday, hours before the President delivered her "very important announcement," at least nine Cabinet members were already about to resign.
Osmeña said the President's announcement failed to address the crisis she is facing.
A Cabinet reshuffle to purge officials close to First Gentleman Mike Arroyo is supposed to be among the first major reforms that Malacañan planned to save the Arroyo presidency.
Early Thursday, she announced the appointment of Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn, a close friend of former president Estrada, to head an anti-jueteng task force.
On Wednesday, she also announced the appointment of Justice Romeo Brawner, presiding judge on the Court of Appeals, as the new commissioner of the Commission on Elections.

GMA not resigning; Is she going on leave?
Rumors, rumors, rumors.
President Arroyo is going on leave?
Former President Aquino being considered as caretaker?
Aquino is not talking. But her speechwriter is supposedly drafting a statement.
A lot of people are waiting for the statement of the bishops this weekend.

Thursday, July 07, 2005
Arroyo not resigning, asks members of cabinet to quit
President Arroyo on Thursday evening said she has no intention of quitting even as she asked her cabinet to resign ahead of a reshuffle.
"I'm not resigning my office," she said in a "very important announcement" to the nation broadcast from the presidential palace.
The President said if she resigns, the next administration will just suffer the same fate as her administration.
Mrs. Arroyo has been under mounting pressure to resign over allegations she cheated in last year's presidential election.

Paguia's tape is no 'master tape' - 2
The call was unsolicited.
It came Wednesday afternoon while five committees of the House of Representatives were trying to grill intelligence agent Doble on his role in the alleged wiretapping of the President.
"I just want to help," the former top spy said when I asked him why the call. He said wiretapping has been his "bread and butter" since the days of the dreaded Metrocom. That was during the martial law years. And he just wanted to let the people know how wiretapping is done.
"Sumasabit pa kami noon sa poste para makapag-wiretap," he said, adding that his team used wiretapping against criminal syndicates. "Unlike now," he said.
"There was a time when we were able to put our own men inside PLDT. We even put tape recorders that automatically switch on when the receiver of the wiretapped phone is lifted," he said.
Then the days of the cellular phones came. He said analog phones were easy to tap. "We used the triangulation technic to determine the sources of calls on the tapped phone," the former spy said.
When he rose in rank, the former spy said he had 18 PLDT "dedicated" phone lines, 12 of which were used for wiretapping.
"Parang naging partyline lang kami ng wiretapped phone," he said. "We could listen to anybody wherever in the Philippines."
Sometime between 2001 and 2002, the former police spy said "high-tech" bugging devices for cellular phones were discovered at Discovery Suites. Unfortunately only one of the three units was confiscated. The rest are still missing, he said.
He said the "mother of all tapes" that was played at the House of Representatives could not be the "master tape." A master tape is dedicated only to a single telephone line, he said. And it could not contain annotations like the one played at the House, he added.
What the lawmakers heard was a spliced tape composed of clips from a lot of master tapes, the former police spy said. "It could have been altered. It is a corrupt tape," he said.
And because the volume of the voices of the parties talking in the recording played at the House have the same level, the wiretapping was most likely done inside a telephone exchange, the ex-spy said. "Like what we did in the past," he added.
"Somebody inside the telephone company must be privy to the wiretapping," he said.
Our source accused Sen. Ping Lacson of having a hand in the wiretapping. "He has the motive. He wanted to win in the 2004 elections," the former police spy said.
He also accused Lacson of hiring COMELEC Commissioner Virgilio Garcillano to cheat during the presidential election. He said Lacson did not trust Garcillano that is why the senator wiretapped the election official.
"[Lacson's camp] wanted to make sure that Garci works, that's why they bugged him," he said.
He said it appears now that only after a year did the Lacson camp found a use for the recordings.
"Marami ang nahagip. Nahagip ang lahat," he said.
When asked why he told me the story, he said: "Gusto ko lang makatulong para maintindihan ng mga tao ang nangyayari."

Wednesday, July 06, 2005
Paguia's tape is no 'master tape'
A retired police intelligence officer, who claimed that wiretapping was his "bread and butter," said the so-called "mother of all tapes" played at the House of Representatives on Tuesday (July 5) was not a "master tape."
"It can never be a master tape because it contains annotations," the former spy said. He said a master tape is dedicated to one telephone line only and cannot contain annotations.
"What Congress heard was a spliced recording composed of voices from a lot of tapes," he said, adding that it was possibly altered.
"The tape was corrupted," the retired spy said.
The former police officer also said the wiretapping might have been done by a telephone company insider or somebody who was able to infiltrate the telephone company.
He said the quality and the volume of the audio in the recording show that it was recorded inside a telephone company or where one can have access to a telephone company's facilities.
"Somebody must be inside the telephone company to record the conversations because the volume of both parties are equal," the former spy said.

Subscribe to:
Posts (Atom)