Lunes nang magsimula ang Global Inter-Media Dialogue dito sa Soria Moria. Buong araw nasa miting lang ako kung saan naatasan akong moderator sa isang parallel meeting.
Mahirap mag-facilitate ng isang international meeting na halos lahat gustong magsalita, nagdedebate at iba-iba pa ang lenggwahe.
Nakayanan naman at natuwa naman ang mga hindi kumulang 50 na kasapi sa aking parallel session, karamihan mga executives o may-ari ng iba’t-ibang media organizations sa buong mundo.
Hay buhay. Kain, meeting, kain, lang ang ginawa ko. Mabuti na lang napakaganda ng lugar at napaka-presko ng hangin.
Sa gabi, bumaba ako sa siyudad. Naglakad muli ako papunta sa train station at nagpunta sa parke ng mga hubad na rebulto.
Alas-nuwebe na ng gabi ako umalis sa hotel, at sa pagkakamangha ko sa aking mga nakita, nakalimutan ko ang oras, kaya hayon, wala ng tren o bus or anumang masakyan liban sa taxi. Halos US$20 din ang naibayad ko sa taxi dahil ala-una na ng madaling araw ako umalis sa parke. Hindi kasi lumulubog ang araw kaya akala ko hapon pa rin. Hehehe.
Sulit naman ang pag-ikot ko. Heto ang ilan sa mga larawan ng mga rebultong hubad.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment