Friday, June 09, 2006

Kay Joan D at Amita

Dear Joan D at Amita,

Alam kung babasahin n'yo ito, kaya good morning.

Madaling araw na. Uwian na naman. Mahapdi na ang mata sa kakatitig sa computer. Nabibingi na ang tenga sa kapapakinig ng radyo at telebisyon. (Sori, 'di ko pinapanood ang TV, paminsan-minsan lang.)

Ano kaya ang ginagawa ni mahal? (Sus, kilig na naman itong si Joan D at Amita.) Wala, wala na si mahal! May mahal nang iba! Ayaw niya ng pogi (Aguy!). Ayaw niya ng trabaho ng trabaho. Ewan. Ayaw, ayaw, ayaw niya.

Madaling araw na. Gutom na ako. Maghahanap na ako ng makakain. Ano kayang masarap ngayon? Laman-loob, dinuguan, hita, leeg, binti.

Sasakay kaya ako ng walis o lilipad?

Ano pa ba ang bagong maisusulat? Hindi naipasa ang proposed budget kaya masaya ang Malacanang, isa na namang aktibista ang pinaslang, magtataas na naman ng presyo ng langis, reklamo ng reklamo, tila wala na lang matinong nangyayari sa bayan na ito.

Well, may kulay pa rin ang umaga't dapithapon. 'Di ko na nga lang nakikita. Nakakaawit pa rin ako kahit wala sa tono. Natatawa pa rin kahit walang laman ang bulsa kundi bali na yosi. Tawa lang ng tawa na parang walang nangyayari.

Umaga na naman. Dahan-dahan na namang dumadalaw ang mga pangitain sa isipan. Kaya dito na lang muna at kailangan nang magpahinga. Tumutulo na ang sipon sa ilong. Lalabas na ang kabag. Tumitiklop na ang talukap.

Siya kaya, ano kaya ang kanyang ginagawa? Hay... Next post please.

1 comment:

YupkiGirl said...

aguyyy si dodong, sino na naman ito?