Light moments. Nakaupo ka sa opisina. Dalawang radyo ang sabay na nagbrobrodkas. Hindi daw maiangat ng rape victim ang kanyang pantalon kaya naka-panty lang siyang nakita ng witness. Sa TV naman, may babaeng pinapangit kausap ang isang magandang dilag. Walang sound. Tipa ng keyboard ng computer naman ang ambiant sound. Ngumangatngat naman ng siopao itong mama sa harap habang ang hepe ng mga maniniyot (potograpo) ay nagkakamot ng baba, nakatingin sa letrato ng dalawang kabayong naghahalikan na may background na sunset. Tuwang-tuwa naman si Joan D at Amita L, a.k.a. Bebe, na magbasa nito. Tatawa pa yang mga yan hanggang di na nila mapigilan ang pag-alog ng kanilang mga bilbil. Si Johnny Bravo hindi naiinitan sa bintana, nakangiwi pa rin ang ngiti habang hinuhuli ang pusong nakadikit sa tarp na pinantakip para di pumasok ang sikat ng araw. Life is beautiful. Parang sine. Parang kapeng lumalamig sa madaling araw dahil may kausap kang nakakaaliw, nakakabaliw. Parang yosing di nauubos dahil sindi ka ng sindi dahil wala kang lighter. Naka-isang CD din ako ng mga lumang kanta sa Newsdesk kaninang madaling araw dahil wala ng ibang tao. Wala lang. Kakatuwa lang kahit ang hirap bumangon sa umaga dahil sumasakit ang dibdib mo at kumakati ang lalamuna. Lamon ka na lang ng hotdog na sinusundan ng isang basong Coke, tapos yosi na naman, tapos ligo, tapos pasok na naman. Anong meaning-meaning pa sa buhay ang kailangan? Sabi nga, at hindi ito galing sa dingding sa harap ha, "This is the day, this is the day, this is the day that the Lord has made. Let us rejoice, let us rejoice, let us rejoice and be glad with it.
Parang sine.
Thursday, June 08, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment