Ang daming nakakalito sa bayan ko.
Na-convict ng plunder ang dating pangulong si Estrada. Kumbaga, napatunayan na nagnakaw siya. Pero sa lahat na magnanakaw, siya lang ang hindi sinungaling. Not guilty kasi siya sa kasong perjury.
Magulo, no?
May explanation ang mga abogado, pero ang hirap ipaintindi sa mga tao.
Ngayon naman, may imbestigasyon sa Senado tungkol sa sinasabing maanomalyang National Broadband deal. Sabit daw ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno sa kontrata (wala daw kontrata o) sa kompanyang ZTE.
Ay, ang daming kailangang intindihin. Ano ba yang broadband? Ano ba ang kanilang mga kanta? Hehehe. Ano naman, aber, ang ibig sabihin ng ZTE.
Hirap ng walang magawa dahil hilo sa kakainom ng kape at kakayosi. Parang dinuduyan ang utak mo ng love songs ni Jose Mari Chan habang pinagtatawanan ng isang kaibigan.
'Di mo malaman kung baduy ka talaga o napag-tripan lang ng kaibigan. Nakakalito. Buhay nga naman.
Sa kabilang banda, salamat sa kape at yosi, kusang nahihilo ka na lang at di na makapag-isip kung ano ang dapat iisipin. Kaya heto, para may magawa, magsusulat ng blog entry habang umaalingawngaw ang boses ni Senadora Madrigal na pilit igisa ang DOTC secretary na si Leandro Mendoza.
Wow, OK sa tripping.
Thursday, September 20, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment