Ang sarap ng steak sa Manolo Fortich sa Bukidnon. Ang kapal ng karne pero ang lambot. Siguro dahil pinya lang ang kinakain ng mga baka doon.
Ang ganda pa rin sa Mindanao, kahit na meron nang SM sa Cagayan de Oro. Malamig pa rin ang hangin, malayo pa rin ang naaabot ng mga mata habang bumibiyahe sa highway.
Masaya sa CDO lalo na gabi ng Biyernes at Sabado. Meron silang night market. Nakabili pa nga ako ng short pants at baseball cap sa ukay-ukay. May live band din at kainan at inuman. Sa isang piano bar naman ako nagpalipas ng oras.
Nakakalungkot lang na mukhang dumarami ang mga batang prosti at bugaw sa lansangan, lalo na malapit sa mga hotel at inn. Mukhang malaking problema itong dapat harapin ng local government at ng mga pulis.
Hindi nagdadala ng condom ang mga prosti sa CDO. Minsan daw kasi bigla na lang nagtsi-check ang mga pulis at hinuhuli ang mga batang babaeng may tinatagong condom.
Mukhang walang matandang prosti sa CDO. Panay mga bata. Sabi nga, 'di sila makapandaya na estudyante lang sila, karamihan kasi ay mukhang mga "pupil" lang.
Marami na ring dumadayong turista sa CDO. Sumisikat na ang river rafting at entry point na rin ang siyudad papuntang Camiguin, Iligan, Bukidnon at mga malalapit na mga bayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment