Forwarded by Mr. R. Jimenez (Salamat!)
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo.
Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan
kapag may problema ka.
Ang lagi mo na lang kausap ngayon eh ang kaopisina mong hindi ka
sigurado kung binebenta ka sa iba ‘pag nakatalikod ka.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway.
Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM.
Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton.
Ngayon, dapat may kasamang Italian chicken ang fettucine Alfredo mo.
Masaya ka na noon pag nakakapag-ober-da-bakod kayo
para makapag-swimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi
Boracay o Puerto Galera ang lugar.
Dati, sulit na sulit na sa ‘yo ang gin pomelo.
Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng
San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa.
Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang
sweldo mo.
‘Yong mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo
kailangan, abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Saan ka ba papunta?
Frend, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa
lang sa mga baterya ng mga machine sa Matrix.
Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.
Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging
singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay
na nagpasaya sa ‘yo. Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.
Thursday, July 06, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment